Tangos IEMELIF Church

90 years old na pala ang Tangos IEMELIF. Sino ba naman ang makaka-isip na sasapitin ng ating iglesia ang edad na ito? Napaka-dami ng taon ang lumipas. Napaka-dami na ding mga manggagawa ang dumating, umalis, bumalik at patuloy na dumadating sa ating iglesia. Ilang beses na ding nabago ang anyo ng ating iglesia sa paglipas ng mga panahon. 90 years old na ang ating iglesia, mayroon kaya sa atin ang makakapag-sabi kung hanggang kailan pa ito tatagal? Siguro nung panahon ng mga nag-tatag ng ating iglesia ay hinangad nila na tumagal at maging matatag ang ating iglesia hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Pero sa panahon natin ngayon, may makapag-sasabi ba na sasapitin muli nang ating iglesia ang isa pang 90 years? Marahil ay WALA.

90 years old na ang Tangos IEMELIF. Alam ba natin ang mga panuntunan upang masabi na isang IGLESIA ang ating iglesia? Masasabi ba nating iglesia kung mayroon itong magagarang mga kagamitan? Isang bibliya at malaking krus na yari sa stainless sa harapan? Sahig na makikinis at makikintab? Mga matatayog na mga bintana? Isang pulpito na punong-puno ng mga sariwa at mababangong bulaklak? O di kaya’y isang malaking sementadong istruktura na na ginastusan ng malaking pera? Ito nga ba ang mga panuntunan upang matawag tayo na isang iglesia. Hmmm? Minsan mapapa-isip ka. Tayo ba ay isang iglesia? Ang Tangos IEMELIF ba ay isang IGLESIA?

90 years old na nga pala ang Tangos IEMELIF. Kung baga sa tao ay matanda na. di ba nga ay may kasabihan na “as we grow older, we became wiser.” Totoo kaya itong kasabihan na ito para sa atin? Kasabay ng pagtanda ng ating ating iglesia ay dapat mature na tayo bilang iglesia. Pero mature na nga ba tayo? Alam na dapat natin na hindi ang magarang istruktura, malaking krus o magarang pulpito ang bumubuo ng isang iglesia. Alam nating lahat na ang iglesia ay di nasausukat sa mga material na bagay na ito kundi bagkos sa mga tao o mananampalataya na nandito. Maaari tayong maging iglesia kahit wala tayong malaking bahay sambahan, mamahaling mga kagamitan o makikinis na mga upuan.

90 years old na pala ang Tangos IEMELIF. Ilan na nga ba ang miyembro ng ating iglesia? Ilan na nga ba ang mga miyembro na tunay na naglilingkod sa ating iglesia at sa ating panginoon? Dumadami ba tayo o nababawasan? Sa tingin ko ay mayroon tayong nakaka-ligtaan? Sa mga panahon na inubos natin para sa pagpapagawa ng bahay sambahan ay parang mayroon tayong nakakalimutan. Masyado tayong naka-tutok sa pag-iipon ng pera para sa church building pero may nakakalimutan tayo. Ang pangunahing pundasyon ng ating iglesia. Ang mga miyembro nito. Ilan na nga ba ang miyembro ng ating iglesia? Ilan na rin ang mga umalis na sa atin? Mga dating mukha na ating nakikita na ngayon ay wala na. Nasaan na nga ba sila? Inalam ba natin kung bakit wala na sila? May ginawa ba tayong mga pamamaraan upang madagdagan ang mga miyembro ng ating iglesia? O masyado tayong naka-tutok sa pagpapagawa ng isang bahay sambahan. Taun-taon ay mga proyekto upang makalikom ng malaking halaga para sa church building. Mga fund raising para sa church building. Pero mayroon ba tayong konkretong mga plano o Gawain para sa ating mga miyembro para sa paglago ng kanilang ispiritual na buhay? Madadagdagan pa ba kaya tayo o patuloy na mababawasan?

90 years old na ang Tangos IEMELIF. Minsan isipin natin. Ano ba ang mas mahalaga. Bahay sambahan ba o mga miyembro nito?

Share 

Add a Comment

You need to be a member of Tangos IEMELIF Church to add comments!

Join this social network

3 Comments

Caleb Comment by Caleb on July 24, 2009 at 11:51pm
Amen Pastor...Sana mag simula sa bawat isa sa atin..Ako Mismo sisimulan ko sa sarili ko pagbabago with the guidance of our LORD....
edgar t. cortez Comment by edgar t. cortez on July 21, 2009 at 11:19am
ok ang observation. pero hindi natatapos sa observation. magtulong-tulong tayo i define ang problem, so that makita natin ang solution. ang solution tayo mismo dahil tayo ang problema. here are the problem in us. 1. we do not love each other masyado tayong selfish lagi na lang iniintindi ang sarili. minsan naman tingnan natin ang iba ang kanilang needs. 2. we do not focus on God, but to ourselves. gusto natin ang ma bless tayo ng Dios pero wala tayong motive na i-bless ang Dios. kaya pag hindi na bless sa message ng pastor nagiisip na tayong kapalit. 3. we do not humble ourselve before the Lord. ang dami na nating pagkukulang sa kanya parang nagmamalaki pa tayo. pag ayaw manambahan ayaw, hindi ka mapilit dinalaw ka na nga nagmamalaki ka pa. bakit sino ang gusto mong dumalaw na visible ang Dios? baka sakalin ka non dahil sa katiasan ng ulo mo. pag dinalaw ka ng pastor ibig sabihin mahal ka ng Dios. the solution perhaps, 1. love each other. iyon naman ang utos ni Jesus ang PANGINOON Natin.2. Focus on God, hindi sa iyong sarili. 3. Humble before God, huwag mong pagmalakihan ang Dios, kapa inalis ng Dios dito sa mundo wala kang magawa. kaya as long as u have opportunity and privelege to serve, to worship and thanks gawin mo na ngayon.
Jerelyn Rose Palay Comment by Jerelyn Rose Palay on December 29, 2008 at 7:37pm
Ang bawat pumapasok sa kapilya ay laging nagpapagamot pero merong hindi gumagaling... Dahil alam natin na ito ay pagamutan ng bawat mananampalataya na may karamdaman, hindi lang sa lupang katawan, maging ng kaluluwa... Nakakalungkot lamang na lagi n lang ganun..... Hahaha...

Anonymous (hulaan nyo..)

About

Admin Admin created this social network on Ning.

Create your own social network!

Badge

Loading…

© 2009   Created by Admin on Ning.   Create Your Own Social Network

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service

Sign in to chat!